An award winning media company committed to sharing the perspectives of people of colour from marginalised genders

Facing the mirror: unpacking the personal and the political

content warning!

By studying her reflection, Nina explores the power of the gaze.

23 Sep 2022

Khadija Said

Content warning: mentions of racism, transphobia, sexual assault

My favourite place is in front of the mirror.

In front of the mirror, I see my history. My beauty. And all the places that mean so much to me. My hair, the lines on my face and the blush on my cheeks trace my journey from past to present. I recognise traumas confronted and unresolved. Combing through my hair, I hear a secondary school bully taunt me for being weird and different, for being feminine. As I follow the lines on my face, I walk through a stranger’s questions about my body, asking which parts I do and do not have. Through my make-up, I find the confidence to conjure up the person I feel I truly am. 

In front of the mirror, I observe how other people have made me the receptacle of their own shame. Still, it’s also where I feel most present, where I feel truly ‘here’. I am ‘here’. But where is ‘here’ beyond the mirror? Who am I in a world that fails to recognise me, that refuses to see this person I see? How do I locate myself in the ‘here’ when nobody sees me?

“What is a passport but another nail driven into the coffin of oppression?”

Being trans and undocumented is a disconcertingly dangerous thing to be. The first time I went out looking for work as a housekeeper, a prospective employer asked me for identification documents. For most people, that would be as easy as making a cup of tea or getting dressed for bed. But, it is a lot more complicated for a trans woman with an irregular immigration status like me, who comes from a country that will never recognise my gender identity. I have no bank account. No driver’s licence. No utility bills in my name.  All I have is a passport. But what is a passport but another nail driven into the coffin of oppression? I am trapped in this flimsy piece of paper that is meant to speak for me, to know me. A passport with a dead name. One that bears my likeness, but has never been me.  

When I had my passport photo taken, I was told to tie my hair back. To not wear any make-up. To put on a shirt with a collar so stiff it felt like a guillotine. Not one piece of jewellery. Not even a smile. That photograph isn’t me; it’s a flawed, dehumanising system’s idea of me. Being asked for proof of identification is an exercise in re-traumatisation every single time. 

I decided to avoid that prospective employer, but that wasn’t the last time it happened. It continues to happen. I have found some work now, fortunately, with people whose confidence in me as a capable housekeeper isn’t tied to an ID. Isn’t it ironic that the notorious serial killer Dennis Nilsen of Muswell Hill would have been hired immediately, just because he had a driver’s licence and a bank account?

“Why did he think he could violate my consent while still treating me with suspicion? Why does our society perceive domestic helpers as untrustworthy?”

What better illustrates this society’s distrust and disrespect of domestic workers than the idea that asking for ID is excusable because employers are letting a stranger into their homes and that their safety is compromised. Aren’t housekeepers going to a stranger’s house, too? Am I not also surrendering my fears for my own safety when I enter a prospective employer’s residence? I remember, one time, I was cleaning a bachelor’s flat while he was in his study working and chatting to friends on FaceTime. He suddenly appeared behind me, giving instructions. When I turned around to face him, he was holding his laptop with the camera facing my direction, making me visible to everyone he was speaking to. I felt violated, my privacy breached, my safety compromised. And that man and his friends probably found it humorous. Nowhere was there any consideration for my right to consent to being exposed in that manner, no apologies nor explanation given.

Why did he think he could violate my consent while still treating me with suspicion? Why does our society perceive domestic helpers as untrustworthy? Why does poverty and being a person of colour equate with duplicity? I am made to feel like an outsider in this country because of my skin colour and social status. Social and political stratifications like race and class shouldn’t have to exist. Why do rich, white people enjoy the benefit of the doubt? Waged domestic workers are here to do important work, work that allows a household to function, not to be someone’s slaves. 

“In a transphobic, racist, misogynist, anti-immigrant society, where is ‘here’ for me?”

While most domestic workers are afforded a minimum wage, one’s immigration status can add other complications to their lives. Those with irregular statuses like me are often given wages below the legislated minimum, with employers citing their status as a reason. I am lucky to not have had that experience but I am more the exception than the rule. A vast majority – if not all domestic workers – are women of colour and the plight of domestic workers is only indicative of how society in general views the socio-political category that is ‘woman’.  

In a transphobic, racist, misogynist, anti-immigrant society, where is ‘here’ for me? I think the better question is: do I want to be ‘here’? To be a part of this society’s current iteration? Can I choose otherwise? Because I would like to. I would like, instead, to help build a society where everyone can be present anywhere, anytime and not just in the ‘here’. A world where we won’t need mirrors to help us locate ourselves and reflect our truths, privately, in our own locked off selves. Instead, we would exist in a world where we can see ourselves reflected in the light of our shared humanity, where we can be seen in the image of other members of our community and in the world at large. 

The essays in the Our Place Is Here campaign will be available as podcast episodes on gal-dem’s Apple and Spotify channels. To support the Our Place Is Here campaign, find out more here.

Like what you’re reading? Our groundbreaking journalism relies on the crucial support of a community of gal-dem members. We would not be able to continue to hold truth to power in this industry without them, and you can support us from £5 per month – less than a weekly coffee.
Our members get exclusive access to events, discounts from independent brands, newsletters from our editors, quarterly gifts, print magazines, and so much more!

Sa Harap ng Salamin: Mga Tanong Patungkol sa Aking Pagkatao at Lugar sa Lipunan

Sa kaniyang pananalamin, siniyasat ni Nina ang kapangyarihan ng pagtitig. 

Sa harap ng salamin. Ito ang pinaka paborito kung lugar.

Sa harap ng salamin, nakikita ko ang aking nakaraan. Ang aking kagandahan. At lahat ng mga lugar na mahalaga sa akin. Ang aking buhok, mga linya sa aking mukha, at ang kolorete sa aking pisngi, mga bakas ng aking paglalakbay mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Nakikita ko ang mga trauma na naresolba at hindi pa. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, naririnig ko ang pangungutya ng isang kaeskwela dahil sa aking pagiging iba, dahil ako’y parang babae. Habang pinagmamasdan ko ang mga linya sa aking mukha, tinatahak ko rin ang mga tanong ng isang estranghero tungkol sa aking katawan – mga katanungan kung aling bahagi ang mayroon ako at wala. Sa pamamagitan ng aking kolorete sa mukha, nakakahanap ako ng kumpiyansa na maipakita ang sa tingin ko ay ang tunay na ako.

Sa harap ng salamin, pinagmamasdan ko kung paano ipinapasa sa akin ng ibang tao ang kanilang mga nararamdamang natatagong kahihiyan. Gayunpaman, sa harap ng salamin ko pinakanararamdaman ang aking prisensya, kung saan tunay ‘narito’ akong narito. ‘Nandito’ ako. Ngunit nasaan ang ‘dito’ sa likod ng salamin? Sino ako sa mundo na hindi kinikilala ang taong ito na nakikita ko sa salamin? Paano ko matatagpuan ang aking sarili sa lugar na ‘ito’ kung wala naming nakakakita sa akin?

“Ngunit ano nga ba ang pasaporte kundi isa pang pako na babaon sa kabaong ng pang-aapi?”

Ang pagiging “trans” at “undocumented” ay nakakawindang at mapanganib. Noong una akong naghanapng trabaho bilang isang kasambahay, hiningan ako ng ID o dokumento ng magiging amo ko. Para sa ibang tao, ang pagbigay ng ID ay sindali lang ng paggawa ng tsaa o pagsuot ng pantulog. Ngunit ito ay mas kumplikado para sa isang babaeng trans na may iregular na immigration status tulad ko, na nagmula sa isang bansang hindi kailanman kikilalanin ang pagkakakilanlan ko sa aking kasarian. Wala akong account sa bangko. Wala akong lisensya sa pagmamaneho. Walang bayaran ng tubig o kuryente o kahit ano na nakapangalan sa akin. Pasaporte lang ang meron ako. Ngunit ano nga ba ang pasaporte kundi isa pang pako na babaon sa kabaong ng pang-aapi? Ako ay nakakulong sa isang pirasong papel na dapat sana’y magpapakilala kung sino ako. Isang papel na dapat sana’y magpapakita ng aking anyo ngunit hindi kailanman naging ako.

Nang ako’y magpakuha ng litrato para sa aking pasaporte, sinabihan akong itali ang aking buhok. Huwag magsuot ng anumang kolorete sa mukha. Magsuot ng kamiseta na may matigas na kwelyo na nakasasakal at parang pang-garote. Huwag magsuot ng ni isang pirasong alahas. Huwag ngumiti. Ang litratong iyon ay hindi ako; iyon ay isang ideya ng isang depektibo at hindi makataongsistema ng aking pagkatao. Sa tuwing hinihingan ako ng ID, bumabalik ang lahat ng trauma na aking naranasan.

Nagpasiya akong iwasan ang magiging amo ko na iyon, ngunit hindi iyon ang huling pagkakataong hiningan ako ng ID. Patuloy iyong nangyayari. Sa kabutihang palad, namamasukan na ako ngayon sa mga taong ang tiwala sa akin bilang isang mahusay na kasambahay ay hindi nakatali sa isang ID. Hindi ba’t isang kabalintunaan na ang kilalang mamamatay tao na si Dennis Nilsen ng Muswell Hill ay makakakuha agad ng trabaho dahil lamang sa mayroon siyang lisensya sa pagmamaneho at isang account sa bangko?

“Bakit niya naisip na hindi nya kailangang kunin ang aking permiso habang ako naman ay pinaghihinalaan nya? Bakit itinuturing ng ating lipunan na hindi mapagkakatiwalaan ang mga kasambahay?”

Ano pa ang mas naglalarawan ng kawalan ng tiwala at respeto ng lipunang ito sa mga kasambahay kaysa sa ideya na walang masama sa paghingi ng kanilang ID para na rin diumano sa kaligtasan ng mga amo na nagpapapasok ng mga estranghero sa kanilang mga tahanan. Hindi ba’t ang mga kasambahay ay nagpupunta rin sa bahay ng mga estranghero? Hindi ko rin ba ipinagsasawalang tabi ang aking alinlangan para sa aking kaligtasan kapag pumapasok ako sa tirahan ng isang magiging amo ko? Naalala ko nung isang beses na naglilinis ako ng bahay ng isang binata habang siya ay nagtatrabaho sa kanyang mesa at nakikipag-chat sa mga kaibigan sa FaceTime. Bigla siyang pumunta sa likod ko na waring manguutos. Nang siya’y aking harapin, bumulaga sa akin ang hawak nyang laptop — nakaharap sa direksyon ko ang camera at kitang kita ako ng lahat ng kausap niya. Pakiramdam ko ay nilabag ang aking pagkatao at ang aking privacy, at nakompromiso ang aking kaligtasan. At malamang na pinagtawanan lang ng lalaking iyon at ng kanynag mga kaibigan ang pangyayaring iyon. Ni hindi ako tinanong kung nais ko ang makita sa camera, ni hindi sya nanghingi ng paumanhin, ni walang binigay na paliwanag.

Bakit niya naisip na hindi nya kailangang kunin ang aking permiso habang ako naman ay pinaghihinalaan nya? Bakit itinuturing ng ating lipunan na hindi mapagkakatiwalaan ang mga kasambahay? Bakit ang kahirapan at pagiging isang taong may kulay ay katumbas ng pagiging isang mapanlinlang? Ipinaramdam sa akin na ako ay isang dayo dahil sa kulay ng aking balat at katayuan sa lipunan. Ang mga panlipunan at pampulitikang stratipikasyon tulad ng lahi at uri ay hindi dapat umiral. Bakit ang mayayamang mga puti ay binibigyan ng pribilehyong hindi mahusgahan agad? Naririto ang mga sumasahod na kasambahay upang gumawa ng mahalagang trabaho, trabaho na nagpapahintulot sa isang sambahayan na gumana ng maayos, hindi upang maging alipin.

“Sa isang lipunan na hindi tanggap ang mga trans, na rasista, na  misogynist, na hindi sumusuporta sa mga dayong migrante, nasaan ang ‘dito’ para sa akin?”

Bagamat karamihan sa mga kasambahay ay binibigyan ng karampatang sahod, mas nagiging kumplikado kapag sinama sa kunsiderasyon ang kanilang immigration status. Kadalasan, ginagamit ng mga empleyado ang kawalan ng regular na immigration status bilang dahilan upang huwag magbigay ng karampatang sahod. Mapalad ako na hindi nagkaroon ng ganitong karanasan, pero batid ko na ito ay exception lamang. Halos lahat – kung hindi man lahat ng mga kasambahay – ay mga babaeng may kulay at ang kalagayan ng mga kasambahay ay nagpapahiwatig lamang kung paano tinitingnan ng lipunan ang sosyo-politikal na kategorya ng isang ‘babae’.

Sa isang lipunan na hindi tanggap ang mga trans, na rasista, na  misogynist, na hindi sumusuporta sa mga dayong migrante, nasaan ang ‘dito’ para sa akin? Ngunit ang mas mahalagang katanungan ay: gusto ko bang maging ‘dito’? Gusto ko bang  maging bahagi ng kasalukuyang lipunang ito? Maaari ba akong pumili ng iba? Dahil nais ko. nais kong tumulong sa pagbuo ng isang lipunan kung saan lahat ay maaaring pumunta kahit saang lugar, kahit kailan, at hindi lamang sa ‘dito’. Isang mundo kung saan hindi na natin kakailanganin ang mga salamin para masilip ang nakakulong nating totoong pagkatao. Gusto kong bumuo ng isang mundo kung saan maaari nating makita ang ating mga sarili na nasasalamin sa liwanag ng sangkatauhan, kung saan makikita natin ang ating mga imahe sa ibang miyembro ng ating komunidad, at sa buong mundo.